text-align: justify
HTML
Ang hangarin na magtamo ng pinakamagandang resulta
at ang mas pagbutihan pa ang paggawa, ay likas
ng naguudyok sa mga tao upang umunlad. Ngunit
karaniwang ito’y dahil sa pagmamataas – pagmamataas na
nagiging dahilan upang tapakan natin ang iba matamo lamang
ang tagumpay. Hindi gayon ang itinuro sa atin ni Hesus.
Sa Ebanghelyo, hinahamon ni Hesus ang kanyang mga
disipulo na maging lingkod ng lahat. Iyon ang pinakapraktikal
at mabisang paraan ng pagsugpo sa pinsalang bunga ng
“mga nagkakalabang pagnanasa sa ating kalooban.”
(Sangguniin ang Ikalawang Pagbasa ngayon.)
Sa Eukaristiyang ito, idalangin natin sa Panginoon
ang biyayang makapaglingkod dahil sa pagmamahal at
nang may pagmamahal. At sa huling linggo ng Buwan ng
Katekesis, ipagdasal natin ang lahat ng katekista para di
lamang nila ituro kundi isabuhay rin ang pananampalataya.
Sa pagdiriwang natin ng “Pambansang Linggo ng mga
Laiko,” mula Setyembre 22-29, idinadalangin natin sa Panginoon lahat ng laiko upang masigla
nilang maipalaganap ang Ebanghelyo sa kanilang mga salita at gawa.
CSS
p { text-align: justify; width: 200px }